Home / Mr. Nonilon Samsaman – 20 Years of Service
“Dahil gusto ko ang ginagawa ko sa trabaho ko dito, ay napamahal na ako sa kumpanya”
You may see Mr. Nonilon Samsaman, a CSPM-EOM Truck Driver, along the routes he regularly takes or at the sites he services, often offering a friendly greeting to those he meets. For 20 years, this simple gesture has been part of his everyday presence, reflecting the warmth, respect, and reliability he brings wherever his work takes him.
Nagsimula po ako dito bilang silang truck driver na nagdadala nang mga materyales (construction materials) na kinakailangan sa mga project sites. Noong una po ay medyo nangangapa pa po ako sa trabaho, nangingilala sa mga katrabaho, sa mga taga opisina at sa mga taga sites na dinadatnan ko.
Natuto po ako kung paano makisama at paano sumunod sa mga superior ko ganun din ang paghahanap sa mga site na hindi ko pa napupuntahan. Kahit mahirap ay nagagawa ko naman lahat nang iniaatas sa akin.
Dahil po sa maganda naman ang pagpapatakbo nang kumpanya noon, at sa magandang samahan dito, ganun din dahil gusto ko ang ginagawa ko sa trabaho ko dito, ay napamahal na ako sa kumpanya.
Naging Maunlad ang kumpanya, dumami ang projects, ang mga dating lots lamang ay naging house & lot, nakapagpatayo ng building, nadagdagan ang mga empleyado na tumutulong sa pagpapaunlad ng kumpanya.
Sa trabaho ko siguro malaking bagay ang naibahagi ko pag natapos na ang projects at ito ay sa pagsisimula sa paglilipat nang equipments (bulldozer blade at pison) sa mga container van na inililipat ko upang maging barracks at bodega sa sites at sa mga materyales (contruction materials) na kinakailangan sa mga project na ginagawa upang matagumpay na matapos ito at ito ay sa tulong din nang mga nakakasama at nakakatulong sa pagbiyahe ko.
Pagsunod sa mga superior, pakikisama sa mga kapwa empleyado, pagkagusto sa ginagawa o pagmamahal sa trabaho siguro ang mahalaga para tumagal ka sa kumpanya pagtatrabaho nang dapat at pagpapahalaga sa mga ginagawa.