Home / Mr. Albert Tenorio – 20 Years of Service
“Mahalaga ang disiplina, tamang pakikitungo sa kapwa, at patuloy na pag-aaral. Kung may tiyaga at malasakit sa trabaho, siguradong tatagal at uunlad sa kumpanya”
Nagsimula ako sa Blessfeed noong 1997 noong panahon na may feed mill pa si Boss Jun. Noong 2004, ako ay napalipat sa SNRDC. Ang pinaka-naaalala ko sa aking mga unang taon ay ang kasipagan at malasakit ng mga tao sa trabaho, pati na ang matibay na samahan ng mga empleyado na nagtutulungan sa araw-araw na gawain.
Ang nag-udyok sa akin na manatili sa kumpanya ay ang tiwala at suporta ng company, pati na rin ang oportunidad na matuto at umunlad. Patuloy akong naiinspire sa layunin ng kumpanya na magbigay ng maayos na serbisyo at makatulong sa komunidad.
Sa paglipas ng mga taon, nakita ko na humaba at humigpit ang mga proseso ng kumpanya upang masigurong maayos, ligtas, at de-kalidad ang mga serbisyo. Mas naging istrikto ang mga alituntunin at mas detalyado na ang mga sistema kumpara noon.
Payo ko sa mga bagong empleyado ay maging matapat sa trabaho, responsable, at huwag matakot magtanong. Mahalaga ang disiplina, tamang pakikitungo sa kapwa, at patuloy na pag-aaral. Kung may tiyaga at malasakit sa trabaho, siguradong tatagal at uunlad sa kumpanya.